SA sunog na naganap noong kamakalawa sa Navotas na umabot sa Task Force Alpha dahil ang mga nasunog na kabahayan ay pawang mga gawa sa light materials at dahil walang makuhang tubig ang mga bumbero sapagka’t walang supply ng tubig ang Maynilad!
Lima ang ideneklarang patay sa mahigit na dalawang oras na sunog. Mabilis na kumalat ang apoy dahilan ng pagkasawi ng mga ito.
Ang kawalan ng supply ng tubig sa Bagumbayan North ang isa sa itinuturong dahilan ng mabagal na pag-apula ng apoy. Natiyempo pala sa schedule ng water interruption sa Navotas City ang sunog.
Ewan ko ba naman dito sa Maynilad, hindi na naubusan ng dahilan kung bakit kahit maulan at bumabagyo may schedule pa din ng water interruption!
***
Sa kabila ng patuloy na pagbagsak ng piso kontra dolyar at pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, maaayos pa rin daw ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa, ito ang paliwanag ng mga opisyal ng pamahalaan gaya ng Bureau of Customs (BOC) na isa sa mga pangunahing ahensiya ng bansa na nag-aambag sa kaban ng bayan.
Tila taliwas ito sa nararamdaman ng ating mga kababayan na hilahod na sa hirap dahil sa matinding inflation na kinakaharap ng bansa at ng buong mundo. Dahil sa matinding pagbagsak ng piso at pagtaas sa mga pangunahinhg bilihin gaya ng gasolina at diesel, dahilan para tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sa lingguhang Kapihan sa Manila Bay, pinaninindigan ng BOC sa pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz na naabot at higit pa sa target na dapat kolektahin ng ahensiya ang nakolekta nito sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
Ayon kay BOC Spokesperson Arnold Dela Torre, Jr., umabot pa sa P750 bilyong piso ang nakolekta ng ahensiya sa dapat sanang P700 bilyong dahil sa pagsugpo sa sindikato ng smuggling na siyang dahilan ng maliit na koleksiyon ng ahensiya. Magandang balita pero hindi ito nakakarating sa sikmura ng ating mga kababayan na hirap na hirap na makaraos sa maghapon.
More Stories
PH KABILANG SA MAY MATAAS NA NEGLECTED TROPICAL DISEASES
5 CONSTRUCTION WORKERS NAKURYENTE 3 PATAY
Higit P.4M shabu, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela