NALAMPASAN na ng Bureau of Customs (BOC) ang taunang revenue collection target nito na P721.52 bilyon para sa taong 2022.
Ayon sa BOC, umabot na sa kabuuang P745.50 bilyon ang kanilang koleksyon nitong Nobyembre 11, tumaas ng P23.98 bilyon o 3.27 percent.
Base sa preliminary report, lahat ng 17 collection districts ng Bureau ay umabot din sa kani-kanilang collection target, na nakakuha ng surplus na 16.8% o P103.29 bilyon noong Oktubre 31.
“This year’s revenue collection performance historically marks the highest revenue collection of the agency to date,” ayon sa BOC.
Nakamit ng BOC ang tagumpay sa pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng kanyang mga prayoridad na programa upang masugpo ang smuggling at corruption, i-optimize ang revenue collection, gawing digital at palakasin ang customs operations base din sa 8-Point Socioeconomic Agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pinasalamatan din ni Ruiz ang lahat ng kawani ng Bureau para sa kanilang patuloy na pagsusumikap at tiniyak niya na susuportahan niya ang lahat ng mga ito.
More Stories
DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC
177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC
Misis na nasa likod ng pagpatay sa mister, arestado sa Valenzuela