May 5, 2024

OWLENS AWARD ISASAGAWA SA MARSO 21

Ang mga project officer sa pangunguna nina Chairman Epi Densing (sentro, nakaupo), P.R.O Ariel Suguitan (kaliwa), at President Eddie Choa ay nagsagawa ng press conference sa Tandang Sora Hall sa Quezon City Sports Complex, E. Rodriguez Avenue, Quezon City ngayong araw kaugnay sa gaganaping OWLENS Award.

Sinimulan ang OWLENS award noong 2019 sa Malacañang kasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan isa sa mga adbokasiya ay ang “women empowerment.” Nahinto ito dahil sa COVID-19 pandemic at ito na ngayon ang pangatlong OWLENS Award na gaganapin sa Marso 21, 2024.

Ayon sa awardees ng 2024 OWLENS, “anuman ang kasarian, kami ay naka-deploy sa frontline.”

Ang Republic Defenders ay isang nonprofit volunteer organization ng private at public individuals at sumusuporta sa mga programa at proyekto ng gobyerno upang masugpo ang kopasyon, labanan ang illegal na droga at kriminalidad at i-promote ang volunteerism, good governance at patriotism. (Kuha ni ART TORRES)