Ipinasya ni PBA Commissioner Willie Marcial na i-reschedule ng liga ang opening ng Philippine Cup.ito ay bunsod ng dumarami na namang COVID-19 cases sa Metro Manila.
Ang start ng ika-46 PBA season All-Filipino Conference ay naka-set ng April 9. Ngunit, sinabi ni Komi Marcial na mababago ito.
Dumami kasi ang new infections na may bilang na 3,000 sapol noong nakaraang linggo. Kaya, nakaaalarma niya ito.
“First, it’s a concern it’s the welfare of our countrymen, and second, it may be tough,” ani Marcial sa PBA Press Corps Awards Night.
Kaugnay dito, nakausap kamakailan ni Marcial si Sen. Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea of the Office of the President sa Malacañang.
Bukod dito, nagpadala ng sulat si Marcial sa IATF on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Na payagan ang teams na magconduct ng 5-on-5 scrimmages sa practice sessions.
Nagrequest din ang Commissioners’s Office sa Red Cross na isama ang PBA na makakuha ng vaccine.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo