May 4, 2024

Blake Griffin, opisyal nang nalambat ng Brooklyn Nets

Opisyal nang  nalambat ng Brooklyn Nets si Blake Griffin. Sinagot nito ang mga tanong mula sa mga fans. Ang million dollar question, bakit pinili niya ang Nets?

 “My only goal is to help win a championship. Some years it’s more realistic than others. But that’s why I came to Brooklyn,” sagot ni Griffin.

Sinabi rin nito na Malaki ang respeto niya sa first-year head coach na si Steve Nash. Naka-focus din aniya siya para sa kampeonato.

Bagamat inalok din siya ng ibang teams, mas pinili niyang lumipat sa Nets. Naniniwala si Griffin na paborito sa ngayon ang Brooklyn na magkampeon ngayong taon.

Samantala, ang tanungin si James Harden kaugnay sa paglipat ni Griffin sa Nets, ito ang naging sagot niya.

 “He passed up more money to obviously stay in Detroit, he wants to win and he wants to have an opportunity to play meaningful minutes. I’m assuming that’s the reason why he came.”

“As of these last couple of years, he’s knocking down the 3-ball a little bit better, ball-handling is a lot better,” ani Harden.