Pumanaw niton Linggo, Disyembre 7, ang two-time Olympian at PBA champion coach na si Jimmy Mariano, sa edad na 84.
Kinumpirma ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagpanaw ng dating Presto head coach sa isang social media post.
“Our prayers and condolences to the family and loved ones of former PBA player and Presto champion coach Mr. Jimmy Mariano.”
Tubong Malabon, unang nakilala si Mariano bilang manlalaro ng University of the East (UE) Red Warriors sa ilalim ng legendary coach na si Virgilio “Baby” Dalupan, kung saan nagkampeon ang koponan sa UAAP noong 1960 at 1962.
Dalawang beses niyang dinala ang bandila ng Pilipinas sa Olympics, sa 1968 Mexico Games at 1972 Munich Games, kung saan siya rin ang naging flag bearer ng delegasyon.
Malaki rin ang kanyang kontribusyon sa Asian basketball, matapos tulungan ang national team na masungkit ang gintong medalya sa ABC Championship (ngayon ay FIBA Asia Cup) noong 1967 at 1973.
Bilang coach, bumalik siya sa UE at pinangunahan ang Red Warriors sa back-to-back UAAP titles noong 1984 at 1985, na nananatili pa ring huling kampeonato ng unibersidad sa men’s basketball.
Sa PBA, nakapagtala siya ng pinakamalaking tagumpay bilang head coach nang pamunuan ang Presto sa 1990 All-Filipino Conference championship.
Hindi pa inilalabas ng pamilya ang detalye tungkol sa kanyang pagpanaw at final arrangements. Ron Tolentino)
