May 14, 2024

OFFER NI VICE GANDA NA SA ‘IT’S SHOWTIME’ LUMABAS SI ANDRES MULACH TINANGGIHAN NI AGA

KAYA raw pasikatin ng ‘Eat Bulaga’ ang anak ni Aga Mulach na si Andres Mulach, kaya hindi pinatos ng mag-ama ang alok ni Meme Vice Ganda na sa ‘It’s Showtime’ na ito lumabas.

Hindi naman nalungkot si Meme Vice ng ito’y tanggihan ni Aga, nanghinayang lang siya dahil hindi nga nila pinili ang show ni Vice.

“Malaki ang tiwala ni Aga Mulach na mapapasikat ng husto nina Tito, Vic and Joey o ng ‘Eat Bulaga’ ang anak ni Aga na si Andres Mulach.

“Hindi ba na isip ni Aga, na baka magaya lang si Andres kina Mavy at Cassy Legaspi. Dahil dalawang anak na niya ang nasa ‘Eat Bulaga,’ na maaaring kasawaan ng mga followers nila.

“Kung nasa ‘It’s Showtime’ si Andres ay magkakaroon ng competition ang dalawa, at tiyak na sisikat ang dalawang Mulach ng husto,” pahayag pa ng aking source.