April 28, 2024

Nuggets, umusad sa semis pagkatapos sagpangin ang ritmo ng Jazz

Nadisgrasya ng Denver Nuggets ang Utah Jazz sa kanilang match-up sa round 1 ng playoffs. Mula sa 1-3 deficit, itinarak ng Denver ang 4 straight win.

Sa kanilang do-or-die Game 7, pinatid ng Nuggets ang ritmo ng Jazz, 80-78. Kaya naman, napasama ang Denver bilang ika-12 team sa history ng NBA na nakaahon mula sa 1-3 deficit.

Mandatory Credit: Kim Klement-USA TODAY Sports

Bumida sa panalo ng Nuggets si Nikolai Jokic ng 30 points at 14 boards. Nag-ambag naman si Jamal Murray ng 17 points.

Namuno sa hanay ng Denver si big man Nikola Jokic na umiskor ng double-double na 30 points at 14 rebounds.

Kay Jokic din nanggaling ang tiebreaking basket sa nalalabing 27 seconds upang maibulsa nila ang tagumpay.

https://www.youtube.com/watch?v=d_gvnWmFdVs

Hindi rin nagpaawat si Jamal Murray na kumamada ng 17 points. Nanguna naman si Donovan Mitchell na nagbuslo ng 22 points. Nag-ambag naman si Rudy Gobert ng 19 points at 18 boards.

Dahil sa panalo, umabante sa semis ang Nuggets. Kung saan, makakatapat nito ang Los Angeles Clippers.