NALUSUTAN ng Electron College ang ang kilalang powerhouse team na Enderun upang itala ang upset victory ,86-85 sa papatuloy ng National Universities and Colleges Athletic Associatio( NUCAA)elimination round na ginanap sa Titan’s homecourt sa Bonifacio Global kamakalawa.
Ang Warriors nina team owners Engr. Dennis Solis at Dra. Lea Solis ay magiting na lumaban kontra mas matatangkad na kalabang Enderun Titans na tinapatan ni coach Jhay Ocampo ng bilis upang di mapag-iwanan sa kabuuan ng laban.
Agad nagparamdam ng bangis ang home team sa kanilang pasiklab na 6-0 run sa unang yugto na senyal ng pag-atake ng Titans pero nanatiling nakabuntot ang Warriors ,45-42 sa halftime.
Dumistansiya na ang tropang BGC sa third ,68-59 pero nanindigan ang mga Batang Novaliches sa final period sa pagtutulungan nina Edu Matamis,Jayvee Bautista, Raymond Basilio at Joseph Ozzariaga katuwang sina Jairus Llanes,Russell at Michael Almoguera,Aron Reyna at Jayrelle Japon upang pigilan ang pag- alagwa ng dambuhalang Titans.
Sa kamada nina Roby Castro at Donyel Udal ay naiposte ng Enderun ang tangkang pag-distansiya ng 77-71 , 4:07 sa payoff time pero dumikit at nakuha pang umangat ng Warriors 83-82 sa last two minutes na nagpataas ng boltahe ng koponang Electron . Agad na bumawi ang Titans na nakaamoy na ng panalo sa huling 6 na segundo matapos ang krusyal na inbound error ni Basilio sa di magkamayaw na sigawan ng homecrowd pero mistula silang nakuryente nang ma- intercept ng nakabawing si Basilio ang bola para sa winning basket upang finally ay makapasok sila sa win column matapos ang dalawang sunod na close game losses kontra PCCr at SPCBA.
“Team effort,sabi ko sa mga bata, di pa tapos ang laban ,mahaba pa ang 6 na segundo kaya pokus lang dahil kaya pang agawin ang laban. Kung natalo kami nakaraan sa dikdikan , ngayon kami naman, sambit ni coach Ocampo katuwang si mentor Molline Gonzales na kapwa nagpasalamat sa management sa kanilang suporta anuman ang resulta ng laban.
Topscorer sa Electron si Matamis na may 19 puntos at nasa double figures din sina Basilio, Bautista at Llanes habang bida naman sina Udal at Jalen Garcia na may combined 24 points para sa kanilang losing cause1-1 sa standing sa ligang pinamumunuan ni chairman Atty. Carmelo Arcilla sa timon ni Executive Director Ding Andres.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag