May 18, 2024

HITIK SA AKSIYONG – PHIL MASTERS ATHLETICS MEET KASADO NA!

SINA NMSAAP President Jose Ang, Jr. (kaliwa) at Directors Jeanette Obiena at Julio Bayaban kasama si Sports Editor Danny Simon sa launching ng 5Throws For All 2023 Philippine Masters Athletics Championship sa To Ho Restaurant Chinatown kahapon. (Menchie Salazar)

HIGIT sa isandaang master athletes na nasa edad-30 pataas ang kakaripas sa  unang kumpetisyon ng taon na National Master and Seniors Athletics Association of the Philippines – 2023 NMSAAP Athletic Meet sa Ilagan Isabela sa Marso 21.

Ang naturang kaganapan na pasakalye na sa  ICTSI Philippine Athletics Championship.

Ito ay susundan ng  pagtìkada ng 5 THROWS FOR ALL- PHILIPPINE MASTERS ATHLETIC CHAMPIONSHIP 2023 sa Philsports Complex,Pasig City .sa Abril 14-16.kung saan ay inaasahang aaabot sa 500 atleta ang malikipagtunggali  sa prestihiyosong event

Ang STFO ni Atty. Alberto Agra ang siyang title sponsor na may temang” building better throwers and expand the throwing community.

Nakaka-excite din ang  team championship awards para sa mga malalaki at  competitive teams.

Ito rin ang  magiging barometro o qualifying event para sa NMSAAP members at non- members sa darating na 22nd Asia Masters Athletcs Chamlionships.

Isang higanteng hakbang ito para sa Pilipinas na opisyal namang ipinagkaloob dito ng Asia Athletic Association upang  igawad nito ang  22nd AMAC na lalarga sa Clark City Capas,Tarlac  sz Nobyembre 8-12,2023.

Mahigit sa 2,000 atleta ang lalahok sa limang araw na kumpetisyon sa pinakamalaking  Masters Athletics championships sa rehiyon.