May 2, 2024

NU LADY BULLDOGS, SINAKMAL ANG UP LADY MAROONS SA 3 SETS

Nakumpleto ng NU Lady Bulldogs ang first-round sweep sa UAAP Season 84 women’s volleyball tourney. Panibagong biktima ng bangis ng NU ang UP volleybelles. Sinakmal ng Lady Bulldogs ang Fighting Maroons, 25-10, 25-20 at 25-15.

Nanguna sa panalo ng NU si Bella Belen na pumalo ng 13 points. Lahat ng ito ay pawing galing sa attacks. Tumipa naman si Cess Robles ng 12 markers mula sa 11 kills.

Bumira naman si Ivy Lacsina ng 11 points. Nine points naman ang inambag ni Alyssa Solomon. Samantalang 22 excellent set naman ang ambag ni Lams Lamina.

Ang libero naman na si Jennifer Nierva ay sumalo ng 17 excellent digs.

Dahil sa panalo, napaigi ng NU ang walang dungis na 7-0 record at top seed sa standings.

Kailangan din namin itong panalo na ito going to the second round. Kasi momentum namin ito para mamotivate lalo yung team ; makapag-prepare pa kami para sa mas mahirap na game na darataing,” ani NU coach Karl Dimaculangan.