April 29, 2024

NU LADY BULLDOGS, NILAPA ANG ATENEO LADY EAGLES

Nilapa ng NU Lady Bulldogs ang Ateneo Lady Eagles, 25-22, 25-15, 22-25, 25-22 sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament sa MOA Arena, Pasay. Kapwa nagtala ng tig-18 points sina Princess Robles at Mhicaela Belen para sa Bulldogs.

Lumagare naman ng 15 points si Alyssa Solomon. Apat sa points na ito ay mula sa aces. Habang si Ivy Lacsina naman ay pumalo ng 12 points.

Ang panalo ay kauna-unahan si sa NU makalipas ang apat na taon. Ipinalasap nila sa Ateneo ang second straight defeat sa torneo.

Siguro in terms of nung preparation lang siguro namin naging malaking bagay sa amin,” ani NU head coach Karl Dimaculangan.

Pero yung errors namin yung nagiging problema namin so iaaddress namin yun, kailangan naming mag-review,” aniya.