
Isang panalo na lang ni Novak Djokovic at mapapalo na nito ang panibagong achievements. Nadaig ng top-seeded Serbian si 4th-seeded Alexander Zverev ng Germany, 4-6,6-2,4-6, 6-2. Kaya naman, rumekta na si Djokovic sa U.S OPen final sa New York.
Makahaharap nito si second-seeded Daniil Medvedev ng Russia para sa titulo. Kung magwawagi, si Djokovic na ang first male player na magwawagi ng 4 Grand Slam events sa parehong taon.
Huling nagawa ito ni Rod Laver ng Australia noong taong 1969. Maitatala rin niya ang 21st major title na babasag sa all-time record ng tennis.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT