May 22, 2024

NONITO DONAIRE, HINARANG NG WBC ANG LABAN KINA CASIMERO AT INOUE

Hindi pwedeng basta-basta na lang maglaban sina John Riel Casimero at Nonito Donaire Jr. Ito ang pagharang ng World Boxing Council (WBC).Sa halip na magsagupa, may ibang inatas ang WBC na laban.

Isasabak si “The Filipino Flash” kay Reymart Gaballo. Samantalang isasabong naman si Mark ‘ Magnifico’ Magsayo kay Gary Russell. Inanunsiyo ng nasabing boxing council ang apat na mandatory fights.

Maaaring madismaya si Donaire sa mando ng WBC dahil may iba siyang puntirya. Mauudlot ang pangarap niyang labanan sina Casimero. Gayundin sa inaasam na rematch kay Japanese pug Naoya Inoue.

Maaaring mangyari ang apat na laban sa susunod na taon.