MAKARAAN ang 11-taon, nadakip na nang pulisya ang pang-siyam most wanted person ng Navotas City dahil sa kasong frustrated murder matapos bumisita sa kanyang pamilya sa lungsod.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, nakatanggap ng tip mula sa concerned citizen ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na si Josefino Tamayo, Jr., 47, na may kinakaharap na kasong frustrated murder ay madalas na nakikita tuwing gabi sa vicinity ng Barangay Tangos South kung saan nakatira ang kanyang pamilya.
Matapos ang ilang linggong intensive at surveillance operation, naispatan ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni P/SMSgt. Normito Tapon ang akusado habang bumisita sa kanyang pamilya sa 302 S. Roldan St., Brgy. Tangos South kaya’t agad i-sinilbi sa kanya ang warrant of arrest na i-nisyu ni Navotas Regional Trial Court (RTC) Romana Lindayag Del Rosario ng Branch 287 para sa kasong frustrated murder.
Sa record ng korte, noong May 23, 2009, tinangkang patayin ni Tamayo ang isang Edgar Sevilla matapos niya itong saksakin sa likod ng katawan sa hindi malaman na dahilan bago tumakas sa hindi matukoy na direksyon nang inakala niyang patay na ang biktima.
Isinugod si Sevilla sa pinakamalapit na pagamutan kung saan ito nilapatan ng lunas hanggang sa gumaling.
Simula noon, nagtago na si Tamayo hanggang sa masakote ito ng Navotas police sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Balasabas.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA