Raul S. Roco-Naga City Public Library: Pagbisita ng paggalang kay Gng. Maria Leonor G. Robredo, Alkalde ng Lungsod Naga, kasama ang Librarian ng Lungsod G. Federico J. Vinluan
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
ANG Pambansang Aklatan ng Pilipinas (NLP, itinatag 1887) – Dibisyon ng mga Pampublikong Aklatan (PLD), na kinakatawan nina G. Chad Aren E. Diaz, Librarian III ng PLD, at Bb. Amy Felice P. Bucago, Librarian I ng PLD, ay nagsagawa ng opisyal na pagbisita sa mga pampublikong aklatan sa mga lalawigan ng Camarines Sur nakaraang 04-08 Mayo 2026 at Sorsogon nakaraang 11-15 Mayo 2026. Ang gawain ay naglalayong suriin ang operasyon ng mga lokal na aklatan, suportahan ang mga Local Government Units (LGUs) sa paghahatid ng de-kalidad na mga serbisyong pang-impormasyon, at tulungan ang muling pagsisimula ng operasyon sa mga saradong pampublikong aklatan at mga sentro ng pagbabasa.
Ang team ay nagkaroon ng malusog at makabuluhang diyalogo kasama ang mga Local Chief Executives (LCEs) at mga lokal na kawani upang ipakalat ang mga paunang natuklasan at muling isaalang-alang ang tradisyonal na kalakaran ng mga pampublikong aklatan.
Ang mga talakayan ay nagbigay-diin sa modernong pananaw ng mga pampublikong aklatan bilang isang hybrid na espasyo ng pagkatuto na nag-uugnay ng mga pisikal na aklat tungo sa mga elektronikong mapagkukunan; isang masiglang espasyo ng kultura na nagsisilbing imbakan ng mga gawa ng mga manunulat, lokal na koleksyon, at mayamang pamana ng pamayanan, kasama ang mga pinuno nito, at natatanging paraan ng pamumuhay; at isang dinamikong ikatlong espasyo na naglalaan sa pamayanan sa labas ng tahanan at trabaho.
Upang masuportahan ang proyekto ay binigyang diin ng NLP ang kanilang magagamit na teknikal na tulong. Kabilang ang mapagkukunan ng aklatan sa iba’t ibang porma o anyo, mga libreng pagsasanay, at mga pagkakataon sa pagpapalakas ng kakayahan para sa kanilang mga kawani ng pampublikong aklatan, kasama ang pangako sa muling pagbisita. Itinakda sa Camarines Sur ang isang oryentasyon na ginanap sa Lungsod Naga para sa mga Barangay Reading Centers (BRCs) nito. Pinag-usapan sa sesyon ang muling pagpapatibay ng ugnayan sa NLP at ang iba’t ibang benepisyo na dulot para sa mga pamayanan sa katutubo.
Ang naganap na mga pagbisita ay may layong pagpapanatili ng isang gumaganang aklatan bilang mahalagang tagapaghiwatig sa ilalim ng Sustainable Education governance area ng Seal of Good Local Governance (SGLG).
Lubos ang pagkilala at pasasalamat ng NLP sa mga pagpapahalagang ibinigay ng mga pamahalaang panlalawigan, panlungsod bayan, at barangay ng Camarines Sur at Sorsogon.
