February 24, 2024

NLEX ACE KEVIN ALAS, MULING NAGTAMO NG ACL INJURY

Bad news para sa mga NLEX Road Warriors fans nang mapabalita na muling nagtamo ng injury ang ace player nito na si Kevin Alas.

Na-diagnosed ang 31-year-old guard ng Anterior Cruciate Ligament (ACL) sa kanyang  kaliwang tuhod.

Natamo nito ang injury sa unang quarter ng laban nila ng Terrafirma Dyip nitong Sabado.

Ito na ang pangatlong beses na nagtamo ng injury si Alas na ang una ay noong 2018 Philippine Cup semifinals laban sa Magnolia Hotshots at ang ikalawa ay noong 2019 Philippine Cup laban sa Meralco Bolts na naganap ang injury sa venue nila sa Antipolo.

Hindi pa matiyak ng NLEX kung hanggang kailan ang pagpapagaling nito para makabalik sa paglalaro. RON TOLENTINO