Matapos ang halos dalawang taon ng pananahimik, sumabog na ang emosyon ni Yen Santos at isinapubliko ang kanyang bangungot na pag-ibig sa unang vlog niya sa YouTube nitong July 23.
Hindi man pinangalanan, halata ng netizens kung sino ang tinutukoy ng aktres — walang iba kundi si Paolo Contis, na naging nobyo niya matapos ang pelikulang “A Faraway Land” noong 2021.
“Malaking blessing na natapos na ‘yon. Nagising na ako sa nightmare na ‘yon. I walked away. Hindi worth it,” tapat na pahayag ni Yen.
Sa pasabog niyang pahayag, inilarawan ni Yen ang ex bilang “controlling at manipulative” — na unti-unting ipinakita ang totoong kulay pagkatapos niyang makuha ang loob ng aktres.
“Sa una sweet, pero patibong lang pala. Red flag agad ‘yun! Hindi love ‘yun—manipulation ‘yun,” giit niya.
Aminado si Yen na nahulog siya sa maling tao: “Nahulog ako. Inakala kong okay kami. Pero deep down, may nasasaktan. Mali ‘yun.”
Buo rin ang loob ng aktres sa paninindigang wala na siyang pakialam sa kanyang ex: “Wala na akong sasabihin sa kanya.”
Bukod sa pagbubunyag ng personal na sakit, sinagot din ni Yen ang matagal nang tsismis na may anak umano siya kay dating Gov. Chavit Singson.
“Hindi po namin anak ‘yun. Kapatid ko po ‘yun! Si Manong Chavit ay ninong ng kapatid ko at family friend lang,” paglilinaw ni Yen.
Aminado rin siyang nasaktan siya sa pagdadamay sa inosenteng bata sa maling akala ng publiko.
“Na-hurt ako. Bata ‘yun. Wala siyang kinalaman.” May mensahe rin si Yen sa mga kababaihan: “Piliin mo ang sarili mo. Huwag mong hayaang mawalan ka ng pagkatao dahil sa maling relasyon.”
