May 18, 2024

Netizens pumalag… SABI NI VICE GANDA, MAHALAGA RAW ANG ABS-CBN SA MADLANG PIPOL DAHIL BUHAY DAW NATIN ITO

MARAMING  mga netizens ang pumalag sa naging pahayag ni Vice Ganda kaugnay sa pagpapasara sa ABS-CBN.

“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa inyo. Hindi ko po talaga alam na para akong nanginginig na hindi ko alam basta, ang alam ko lang malungkot na malungkot ako ngayon… Mahalaga ito sa akin dahil buhay natin ito, eh,” palaban na pahayag ni Vice Ganda.

Sinagot naman ito ng mga netizen, “buhay niya lang ano? Nung nagtatamasa siya nang limpak-limpak na salapi sa ABS-CBN, naaalala niya ba kami? Ngayong naipasara ang network niya, idadamay niya kami. Pwede ba Vice, buhay mo lang iyang ABS-CBN, huwag mo kaming idamay dahil hindi naman kami nakinabang sa network mo na iyan.

“Kasalanan iyan ng mga amo mo, dahil kung hindi nila pinabayaang mapaso ang Prangkisa ninyo ay hindi n’yo naman daranasin ang mapasara. Maging kami nga ay hindi makapaniwalang, marami palang nilabag ang Network n’yo. Pwede ba huwag kayong magtangatyangahan, kaya naipasara ang Network ninyo ay matagal nang niloloko ng amo ninyo ang batas,” dagdag pa ng isang netizen.

“Isa karing bobita na sa tinagaltagal nang hearing ay wala ka man lang alam, kahit anoman siguro ng busy mo ay may alam ka rin. Bakit hindi mo na lang tulungan ang amo mo, para may pakinabang naman siya sa iyo. Lumabas ka naman para mayroon kang alam sa mga ginagawa ng amo mo. Nasara kayo dahil, paso na ang prangkisa niyo.” mataray na pahayag ng mga netizen na iritada sa mga pinagsasabi ni Vice Ganda.