May 1, 2024

Netizens nagalit sa attitude girl… JANELLA SALVADOR, PINAHIYA SI KIM CHIU TUNGKOL SA ‘PAOS AKO’ TRENDING ISYU

PAANONG paos? Gayung ang ganda ng pagkakasigaw niya ng pagbati sa ‘madlang people,’ lumabas tuloy na ang yabang ng dating niya.

“Nag-guest ho si Janelle Salvador, sa ‘It’s Showtime’ para mag-promote ng movie at concert niya na kasama ang leading man niyang si Win Metawin.

“Siyempre humingi ng sampol song ni Janella si Kim Chiu, ang banat niya ‘medyo paos ako today kayo na lang.’ Pinahiya niya si Kim ng harapan sa mga televiewers.

“Kaya ang banat na lang ni Kim, ay ‘pakinggan na lang namin sa Spotify.’

“Sana raw panoorin ang movie niya at concert ng mga naasar na televiewers kay Janella, dahil naging mayabang ito at namahiya ng kapwa niya artista. At sana huwag siyang balikan ng karma sa mga ginawa niya,” mataray na pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.