May 1, 2024

Lagot daw sa MTRCB…. VICE GANDA, BUWIS BUHAY DAW PAG-UPO SA GMA-7 LOGO SA TUKTOK NG GMA BUILDING

HINDI naman papatulan iyan ng MTRCB, dahil isa lamang iyang computer generated image, hindi naman gagawin ni Vice Ganda na magbuwis siya ng buhay para lamang sa sanib pwersa ng GMA-7 at ng ABS-CBN.

“Siyempre hindi naman papayag ang GMA-7 na gawin ni Vice Ganda, ang umupo sa logo ng GMA-7 at ABS-CBN sa tuktok ng building nito.

“Uunahin mismo nila ang safety ng kanilang artista, dahil kung totoo ito literal na buwis buhay performance ito.

“All well naman si Meme Vice Ganda, dahil hindi niya sukat akalain na mangyayari ang sanib pwersa ng GMA-7 at ABS-CBN,” chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.