May 7, 2024

NESTHY PETECIO, PUNTIRYANG MAKA-GINTO SA PARIS OLYMPICS

Target ni Nesthy Petecio na makaupak ng gold medal sa olympics. Kaya, sasabak pa rin siya sa 2024 Paris Olympics para makadagit nito.


Ito ang kanyang pahayag matapos na gawaran bilang isa sa honorary ng SMC-PSA Annual Awards Night. Hindi siya kontento sa silver medal na natanggap. Pangarap niyang maka-ginto rin gaya ni Hidilyn Diaz.


Kaya champ Hidi, isa ka sa mga iniidolo ko. Lagi kong sinasabi sa iyo ‘yan na isa ka sa nagbibigay lakas sa amin. Sobrang saya namin nung nag-gold ka,” ani ng 29-anyos na boxer.


Dagdag pa nito, kung kaya ni Diaz na maka-gold, kaya rin nila. Mahalaga aniya ang positibong pananaw.


Dumating kasi sa point na parang nakontento na ako sa silver. Pero, parang may nagsasabi sa mind ko. Parang di dapat makuntento lang dun. Dapat maka-ginto.”

Tinatanong ko ang sarili ko. Sabi ko, ipagpapatuloy ko pa ba ang boxing? Kaya, hindi pa tapos ang laban. Tuloy lang.” ani Petecio.