
Lusot sa Round of 16 si Nesthy Petecio sa kanyang pag-upak sa Tokyo Olympics. Dinomina ni Petecio si Marcelat Sakobi Matshu ng Congo, 5-0 sa Round of 32.
Nagsagupa ang dalawa sa women’s featherweight class sa Kokugigan Arena. Pumabor ang 4 na judges kay Petecio, 30-27. Ang isa naman ay nagbigay ng 29-28 sa scoring.
Makakaharap ni Petecio sa Round of 16 si no.1 ranked Lin Yu- Ting ng Chinese Taipei. Na nakatakdang idaos sa Lunes, July 26 sa ganap nba 12:39 ng hapon.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon