May 18, 2024

NBA Teams at Players Union, magpupulong kaugnay sa 2020-21 campaign

NEW YORK — Magsasagawa ng bukod na meeting ang NBA team owners at players union. Ito ay kaugnay sa posibleng mapagkakasunduang simula ng 2020-21 campaign sa Disyembre 22, ayon sa multiple reports.

Maaaring aniyang magkasundo ang dalawang panig sa season reduce na mayroong 72 games per club.

Ayon pa sa ulat, nais ng television broadcasters at advertisers ang holiday match-ups at nais umiwas sa pagsabay sa Olympics. Kung ikakasa aniya ang season bago ang Pasko, matatapos ito bago sumalang ang olympics.

Mahaharap din ang mga players sa salary escrowng halos 18 percent sa loob ng 2 taon.Kapag natapos naman ang season sa July, maaaring simulan ng liga ang 2021-2022 season campaign sa Oktubre.

Kinakailangan lang aniya ay masimulan ang turnaround para sa 2020-21 campaign. Kabilang ang ikakasang November 18 NBA Draft, free agency at pre season training camps na bubuksan sa Disyembre 1.