May 4, 2024

‘NBA season, boycotted, not postponed’—LeBron James

Taliwas sa napaulat na iboboykot umano ng Lakers at Clippers ang 2020 NBA playoffs,  dismayado rito si LeBron James.

Ikinainis ni James ang pagkaantala ng Game 5 kahapon sa pagitan nila ng Portland TrailBlazers. Ito ay dahil sa binoykot ng ilang teams ang laro.

Kabilang sa nagboykot ay ang Bucks at Magic. Ayon kay James, mali ang sapantaha ng iba na ititigil na ang mga laro.

Inakala ng iba na ititigil na ang season dahil sa nangyari kay Jacob Blake, taga-Wisconsin na pinagbabaril ng mga pulis.

Aniya, boykot ang rason ng pagkaantala ng games sa playoffs. Nagpost pa nga siya sa kanyang Instragram na: ‘Boycotted, not postponed’.

Inanunsiyo naman ng pamunuan ng NBA na muling ire-resked ang mga natigil na laro.Niliwanag ni James na huwag basta maniniwala sa mga bali-balitang lumalabas.

Aniya, wala itong sustansiya. Kung nag-boykot man aniya ang ilang players, karapatan nila iyon. Pero, hindi nila hawak ang kapasyahan ng liga.