May 1, 2024

NBA NEWS AND UPDATES, JAN 4, 2022

Narito ang latest NBA news at updates kaugnay sa buong liga. Sinuspendi ng Houston Rockets ang dalawa sa players nito dahil sa poor behaviour. Ito ay bilang pagpataw ng disiplinary action kina Kevin Porter Jr at Christian Wood.Nag-asal barubal ang dalawa matapos ang pagkatalo ng Rockets sa Denver Nuggets.


Hinirang naman bilang NBA Players of the Week sina Jah Morant at DeMar DeRozan. Ito ay dahil sa kanilang impresibong performance sa kanilang mga teams.


Si DeRozan ay nanguna sa pag-akay sa Chicago Bulls sa Eastern Conference sa Top Seed. Habang si Morant ng Memphis Grizzlies ay humataw sa team. Isa nga sa bago nitong biktima ay ang Brooklyn Nets.

Ito naman ang resulta ng laro sa buong liga ngayong araw. January 4, 2022
Tinalo ng Washington Wizards ang Charlotte Hornets, 124-121. Nilapa naman ng Memphis Grizzlies ang Brooklyn Nets, 118-104. Niyupi naman ng Detroit Pistons ang Milwaukee Bucks, 115-106.


Itinala naman ng Chicago Bulls ang 8 straight wins sa pagsuwag sa Orlando Magic, 102-98. Tinaga naman ng Golden State Warriors ang Miami Heat, 115-108. Sinagasaan naman ng Portland TrailBlazers ang Atlanta Hawks, 136-131.