May 4, 2024

NBA Game results 12-27-2020, Timberwolves, Hawks at Spurs, wagi

Timberwolves 116- Jazz 111

Naglista ng 25 points, kasama ang three key free throws sa finals seconds si D ‘ Angelo Russell. Dahilan upang pangunahan ang Minnesota Timberwolves sa panalo sa Utah Jazz.

Kapwa kumamada ng tig-18 points sina Malik Beasley at si rookie Anthony Edwards. Habang 16 points naman ang inambag ni Karl-Anthony Towns.

Gumawa rin si Towns ng 12 boards at 4 blocked shots.

Hawks 122- Grizzlies 112

Gumawa ng 36 points si Trae Young upang pangunahan ang dayong Atlanta Hawks sa Memphiz Grizzlies.

Tumikada ng 10 of 24 si Young sa floor kahit 1 of 7 three-pointer lang ang naibuslo. Bumuslo rin siya ng 15 of 17 sa free-throw line. Mayroon din siyang 9 assists at 2 turnovers.

Gumawa naman ng 28 points at 7 assists sa Memphis si Jah Morant.

Spurs 119- Raptors 114

Bumida si Demar DeRozan sa panalo ng San Antonio Spurs kontra Toronto Raptors, 119-114. Nagbuslo ng 27 points si DeRozan kasama ang key-3-pointer sa final minute.

Nagawang makahabol ang Spurs sa lamang. Huling lumamang ang Raptors, 114-110 mula sa 3 points ni Fred VanVleet.

Tumulong din sa panalo ng Spurs si Lamarcus Aldridge mula sa putback layup.Nagawa niya ito may 29.9 seconds.