November 18, 2024

Navotas, pinasinayaan ang mga bagong covered courts

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pagpapasinaya sa bagong Multi-purpose Covered Courts sa Dagat-dagatan Elementary School na kabilang sa kanyang mga proyektong pinaglaanan ng pondo noong siya ay nasa Kongreso pa. Ani alkalde, maaaring magamit ang pasilidad na ito upang pagdausan ng events tulad ng graduation ceremonies at para sa mga sports tulad ng basketball, volleyball, at badminton. (JUVY LUCERO)



PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga bagong gawang multi-purpose covered courts na itinayo sa apat na pampublikong paaralan sa Navotas.

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang pagpapasinaya sa mga covered courts sa San Roque Elementary School, Bangkulasi Elementary School, Dagat-dagatan Elementary School, at Tangos National High School noong March 14 at 15.

“By providing these facilities, we want to encourage our students to engage in various sports and exercise, as well as promote an active and healthy lifestyle,” ani Mayor Tiangco.

“Learning does not only happen inside the confines of a classroom. We aim for a holistic approach when it comes to the education of Navoteño youth,” dagdag niya.

Ang mga covered courts ay pinondohan noong termino ni Tiangco bilang kinatawan ng Kongreso ng Navotas noong 2019-2022.

Noong nakaraang taon, sinimulan din ng Navotas ang pagtatayo ng apat na palapag na gusali sa siyam na pampublikong paaralan sa lungsod.