May 28, 2024

Construction ng Navotas Polytechnic College, binisita ni Tiangco

PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco para silipin ang construction ng pinagandang Navotas Polytechnic College na kaisa-isang pampublikong kolehiyo sa Lungsod ng Navotas kung saan mananatili aniyang libre ang pag-aaral dito para sa mga Navoteño. Bahagi aniya ito ng Asikasong All The Way na paghahatid ng holistiko, inklusibo, at de kalidad na edukasyon sa lungsod. (JUVY LUCERO)