April 24, 2024

Tiangco brothers, kabilang sa top NCR mayors, solons performance rating

NAKASAMA si Mayor John Rey Tiangco sa top 2 best performing mayors habang si Congressman Toby Tiangco naman ang nanguna sa solons performance ratings, base sa inilabas na “Boses ng Bayan-NCR” survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. na isinagawa noong February 25 hanggang March 8.

Sa National Capital Region (NCR), si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nanguna na may pinakamataas na performance rating sa lahat ng local chief executive sa 94%. Statistically tied habang sa ikalawang pwesto naman sina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, Along Malapitan ng Caloocan City, at Mayor John Rey Tiangco ng Navotas City, na pawang may mga 91% ratings.

“Napakataas po ng 91% na ibinigay n’yong marka sa aking work performance bilang ama ng Navotas. Maraming, maraming salamat po”! pahayag ni Mayor Tiangco.

“Malaking karangalan po na mapaglingkuran kayo. Ang inyong suporta ay inspirasyon namin upang patuloy na maglingkod nang tapat at mahusay, at makapagbigay ng #Asikasong All The Way sa lahat ng Navoteño” dagdag niya.

Samantala, nanguna naman sa top NCR District Representatives si Toby Tiangco (92.5%) ng Navotas City, na sinundan ni Camille Villar (92.3%) ng Las Piñas City, at Oca Malapitan (92.1%) ng Caloocan City na tabla sa unang pwesto sa NCR.

 “Maraming, maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pagtitiwala! Malaking bagay po para sa atin ang pagiging bahagi ng Top Government Officials at pagiging No. 1 sa lahat ng Metro Manila district representatives sa Kongreso sa latest job performance rating na inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc.” ani Cong. Tiangco.

“Hindi po tayong magsasawang magtrabaho para masigurong Tobycontinued ang mga programa, proyekto at mga serbisyong nakalaan para sa pag-angat pa ng Navotas at bawat Navoteño” dagdag ng Kongresista.