December 24, 2024

NAVOTAS MAY 24 BAGONG SCHOLARS

Pinirmahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang isang memorandum of agreement na nagbibigay scholarship sa 24 na bagong beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship Program para sa school year 2021-2022. 15 dito ang incoming high school freshmen, pitong incoming college freshmen, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon. (JUVY LUCERO)

TINANGGAP ng Pamahalaang Lungsod ng Navaotas ang 24 na bagong beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship Program para sa school year 2021-2022.

Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang isang memorandum of agreement na nagbibigay scholarship sa 15 incoming high school freshmen, pitong incoming college freshmen, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.

“Education opens opportunities that would ensure a good future. This is why we support Navoteños who strive to finish their studies or further their learning,” aniya.

“We want our scholars to reach their full potential and set an example to their fellow teachers and students, and at the same time, be of service to their family and our community,” dadag niya.

Upang maging kuwalipikado para sa iskolarsip sa mataas na paaralan, ang mga aplikante ay dapat kabilang sa nangungunang 10 porsiyento ng graduating elementary class. Ang mga iskolar naman sa kolehiyo ay dapat magmula sa nangungunang 25 porsiyento ng senior high school graduating class.

Kailangan ding sumailalim sa qualifying exam at interview ang mga aplikante.

Ang pamahalaang lungsod ay nagbibigay ng P18,000 sa mga high school scholars kada academic year para sa libro, transportasyon, at food allowance.

Ang mga iskolar ng Navotas Polytechnic College ay nakakakuha ng P22,000 kada academic year para sa tuition, libro, transportasyon, at food allowance habang ang mga iskolar sa ibang kolehiyo o unibersidad ay binibigyan ng P262,000.

Samantala, ang mga iskolar ng guro ay tumatanggap ng P75,000 bawat akademikong taon para sa kanilang matrikula; libro, transportasyon, at allowance sa pagkain; at gawad ng pananaliksik.

Mula nang ilunsad ito noong 2011, nagawang suportahan ng NavotaAs Scholarship Program ang edukasyon ng 1,073 mag-aaral at guro.

Bukod sa academic scholarship, ang pamahalaang lungsod ay nag-aalok din ng mga scholarship sa mga mag-aaral na mahusay sa sports at arts, at sa mga bata o kamag-anak ng Top Ten Most Outstanding Fisherfolk.