Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at PCCI–Navotas President Paul Santos ang opisyal na paglulunsad ng kauna-unahang Navotas Business Conference 2025 ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Navotas Chapter, sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas na ginanap sa Navotas Convention Center. (JUVY LUCERO)
SA pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas, opisyal na inilunsad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Navotas Chapter ang kauna-unahang Navotas Business Conference 2025.
Ang dalawang araw na kaganapan ay gaganapin sa Oktubre 28–29 sa Navotas Convention Center.
Magsasama-sama sa naturang conference ang mga lider ng negosyo, mga innovator, at mga stakeholder mula sa buong Metro Manila upang tuklasin ang mga pagkakataon para sa paglago, pagpapanatili, at pakikipagtulungan.
Itatampok nito ang mga talakayan at eksibit na nagha-highlight ng mga pagkakataon sa pagbabago at paglago sa mga sektor ng pangisdaan, manufacturing, logistics, at turismo.
Nagpahayag naman ng optimismo si Mayor John Rey Tiangco tungkol sa direksyon ng ekonomiya ng lungsod at ang kahalagahan ng kaganapan sa pagbibigay kapangyarihan sa mga lokal na negosyante.
“Habang tuloy-tuloy ang development at pagdating ng bagong investments, gusto nating tiyakin na kasama at handa ang mga local businesses sa pag-angat ng lungsod,” aniya.
“This conference is a platform for Navoteño entrepreneurs to connect, learn, and grow,” dagdag niya.
Naka-angkla sa temang, “Navotas Rising: Empowering Industries from Sea to City,” na binibigyang-diin ang pagbabagong-anyo ng Navotas mula sa isang tradisyonal na komunidad ng pangingisda tungo sa isang moderno, sustainable, at sentro ng teknolohiya.
“The ‘Sea’ represents our roots as a fishing community, while the ‘City’ represents our future — modern industry, digitalization, and a sustainable business environment,” paliwanag ni Tiangco.
Samantala, inilarawan ni PCCI–Navotas President Paul Santos ang kumperensya bilang salamin ng pag-unlad ng lungsod.
“In just a short time, we’ve grown to 150 active members, a clear reflection of how energized and forward-looking the Navotas business community has become,” aniya. “Navotas isn’t just where we do business — it’s home.”
Binigyang-diin din ni Santos ang halaga ng partnership sa lokal na pamahalaan.
“We are equipped with strong local resources, agile systems, dynamic business partners, and most importantly, the support of a responsive local government. Navotas is in its prime, and we’re ready to make waves,” dagdag niya.
Pangungunahan ni Agriculture Secretary Francisco “Tiu” Laurel Jr. at inspirational speaker Bo Sanchez ang kaganapan kasama ng iba pang mga kilalang panauhin mula sa gobyerno at industriya.
Maaari ding asahan ng mga kalahok ang mga pag-uusap sa plenaryo, mga eksibit, at mga sesyon ng networking tungkol sa pagbabago, pamamahala, at pagnenegosyo.
Inaanyayahan din ang mga MSME na sumali sa afternoon sessions at bumisita sa mga business booth sa halagang ₱1,000 lamang kada araw. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Navotas Business Conference Facebook page o makipag-ugnayan sa PCCI Navotas Secretariat sa pccinavotas@gmail.com o navotasbusinessconference@gmail.com. (JUVY LUCERO)
