Matagumpay na naidepensa ni John Riel Casimero ang kanyang WBO bantamweight title belt.
Ito’y matapos magtala ng third round TKO laban kay Duke Micah sa laban na idinaos sa Mohegan Sun Arena, Uncasville, Connecticut. Ginanap ang laban ng walang fans na nanood.
Napabagsak ni “Quadro Alas’ ang Ghanian-born na si Micah sa 2nd round. Tinamaan nito ng left hook sa ulo bago tinapos sa 3rd round.
Tinigil ni referee Steve Willis ang laban sa 0:54 seconds ng round nang makitang groggy na si Micah. Ang pagkatalo ni Micah ay kauna-unahan sa kamay ng 30-anyos na taga- Ormoc City
Dahil sa dominat win ni Casimero, napaigi nito ang kanyang record na 30 wins at 4 defeats. Ang laban nito kay Micah ay undercard ng Showtime doubleheader ng Charlo twins.
Kung saan, umupak sa magkaibang world title bouts ang dalawa. Dahil sa panalo, may posibilida na makaharap ni Casimero si Japanese Naoya Inoue.Si Inoue ay nakatakda namng humarap kay Jason Moloney ng New Zealand sa October 31.
More Stories
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY