May 21, 2024

Nakatulong ang hiwalayan isyu… KATHRYN BERNARDO TINALBUGAN SI ANNE CURTIS SA IG

MILYA-MILYA na ang lamang ni Kathryn Bernardo kay Anne Curtis, na dating siya ang number 1 sa IG. Pero ng sumabog ang hiwalayan isyu ng KathNiel loveteam, pumalo nasa 20,149,000 ang followers ni Kathryn sa IG.

“Lamang lang naman ho si Kathryn Bernado kay Anne Curtis ng 3 milyon, na mahirap na hong maabutan pera na lang kung may pasabog na bongga si Anne doon niya pweding abutan si Kathryn sa kanyang IG.

“Sa side ni Kathryn, malaking tulong ho iyong hiwalayan isyu ng KathNiel loveteam, maging sa ibang bansa ay naaapektuhan din ang kanilang mga followers.

“Nakatulong din iyong first public appearance niya kasama ang dating nobyo na si Daniel Padilla sa ABS-CBN Christmas Special, last December 13. Akala nga nila na hindi totoo ang kanilang break up, kaya pinagusapan na naman si Kathryn Bernado,” pagtatapos pa ng aking source.