May 3, 2024

NADINE LUSTRE, ANG TIKAS NA NG ARRIVE, NAGPA-TATTOO NG DRAGON

Photo Courtesy by Vilmana Tattoo Studio

Marami ang nakapansin kay Nadine Lustre na tila nagpapaka-rebel image ito. Yun bang nagpapakatikas. Katunayan, nagpadagdag ang singer-aktres ng tattoo sa kanyang katawan. Makikita sa isang FB post na may pintadong dragon sa likod ng kanyang kanang braso. Parang ‘Flame of Recca’ na tuloy ang arrive niya.


Astig na araw si Nadine. pero, nakapanghihinayang na gayun ang ginagawa niya sa kanyang image. Pero, cute pa rin. Ang asawa ni Beth Barocaboc-Linga ang nagtattoo kay Nadine. Ito ay si Bowie Linga. Si Beth rin ang nagpost ng picture sa Facebook.


Bukod sa dragon, may iba pang tattoo ang aktres. Isa na rito ang rose na nasa left pulse ng dalaga. Ayon kay Nadine, alay niya ito sa yumaong kapatid na si Isaiah. Crescent moon naman ang nasa kanyang kanang pulso. Mayroon ding tattoo na lyrics ng kanta ng ‘ Up Dharma Down’. Ito ‘yung ‘ nakayapak at nahihiwagaan’ na liriko ng kan tang ‘Tadhana’, isa sa paboritong song niya.