May 20, 2024

M’YEMBRO NG “ONIE DRUG GROUP”, 2 PA TIMBOG SA DROGA

TATLONG drug personalities, kabilang ang isang miyembro ng “Onie Drug Group” ang nasakote ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong mga susek na si Alfredo Boyose, 52, watchlisted, member ng “Onie Drug Group”, Rodrigo Diana, 42, (Watchlisted), at Joseph Sison, 52, vendor.

Sa tinanggap na report ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Eforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Giovanni Hycenth Cakiao ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Block 31, Lot 15, Phase 3 F-1, Sabalo St. corner Langaray St., Dagat- dagatan, Brgy 14, Caloocan City.

Isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang maka-order sa mga suspek ng P12,000 halaga ng shabu.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Aabot sa 120 gramo ng shabu na tinatayang nasa P816,000 ang halaga, 1 pc tunay na P1,000 na nakabugkos sa 11 pcs P1,000 boodle/buy-bust money, cellphone, at weighing scale ang nakumpiska sa mga suspek.