TAGAPAGTANGGOL NG CUSTOMER CHOICE. Nakipag-partner ang MPower sa First Cavite Industrial Estate Association Inc. (FCIE) upang pagsama-samahin ang pangangailangan sa kuryente ng iba’t ibang pasilidad ng FCIE para sa pag-enroll sa Retail Aggregation Program. Sa larawan (mula kaliwa pakanan): FCIEAI Vice President Aurelio Masangkay, FCIEAI President Micaela Laila Flores, MPower First Vice President & Head Redel M. Domingo, at MPower Senior Assistant Vice President & Retail Sales Head Eddie John V. Adug.
CAVITE — Lumagda sa isang kasunduan ang MPower, ang retail electricity arm ng Manila Electric Company (Meralco), at ang First Cavite Industrial Estate Association Inc. (FCIE) para sa energization ng mga pasilidad nito at enrollment sa ilalim ng Retail Aggregation Program (RAP) ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Sa ilalim ng kasunduan, magiging isa ang FCIE — isang 150-ektaryang industrial park sa Cavite — sa mga unang mixed-use developments sa bansa na sasali sa RAP. Pinagsasama ng programa ang maraming electricity accounts ng isang grupo o lugar para sa mas episyenteng sourcing at mas mababang gastos sa kuryente.
Ang RAP ay bahagi ng Customer Choice Program ng ERC na layong payagan ang mga end-user sa iisang franchise area na pagsamahin ang kanilang power demand upang maging isang contestable customer. Sa ganitong paraan, maaari silang makakuha ng mas magagandang presyo at mas flexible na energy supply options sa retail electricity market.
Ayon kay FCIEAI President Micaela Laila Flores, ang pakikipagtambalan sa MPower ay isang “strategic step” tungo sa sustainability at operational excellence sa industriya.
“Layunin naming maging pangunahing industrial estate na may energy-efficient solutions at responsable sa paggamit ng kuryente. Sa pakikipagtulungan sa MPower, bumubuo tayo ng pamana ng inobasyon, epekto, at pangmatagalang pag-unlad,” ani Flores.
Samantala, binigyang-diin ni MPower Head Redel Domingo na ang pagsali ng FCIE sa RAP ay “nagpapakita ng bagong pamantayan ng energy collaboration sa bansa.”
“Sa pamamagitan ng pagsasama ng demand at paggamit ng mas episyenteng solusyon, itinutulak ng partnership na ito ang progresibong pagbabago. Ipinagmamalaki ng MPower na magbigay ng kuryenteng maaasahan, abot-kaya, at nagbibigay-lakas sa mga industriya at komunidad,” wika ni Domingo.
Ang naturang kasunduan ay patunay ng lumalakas na interes ng mga industriya at komersiyal na grupo na lumipat sa retail competition bilang paraan para makamit ang cost-effective, transparent, at customer-centric energy management.
Sa pamamagitan ng RAP, patuloy na isinusulong ng MPower ang “customer choice” sa pamamagitan ng makabagong solusyon, kompetitibong presyo, at maaasahang serbisyo sa mga kliyente nito.
Tungkol sa MPower
Ang MPower ay nagsisilbi sa mga contestable customers, kabilang ang ilan sa mga malalaking korporasyon sa loob ng franchise area ng Meralco. Itinuturing na ngayon ang MPower bilang pinakapinagkakatiwalaang Local Retail Electricity Supplier, dahil hawak nito ang mahigit 30% na bahagi ng competitive retail electricity market sa nasasakupan ng Meralco.
