Ito ang panawagan ng legal team ni Vice President Sara Duterte pamahalaan at bagkus ay
pagtuunan na lamang ng pansin ang ibang mahahalagang isyu ng bansa.
Nitong Huwebes pinanigan ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon na nagdedeklarang unconstitutional ang articles of impeachment laban sa Bise Presidente.
Sa isang pahayag na inilabas ni Atty. Michael Poa, kinumpirma ng depensa ang resolusyon ng Supreme Court (SC) na nagbabasura nang may pinalidad sa motion for reconsideration na inihain ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“Dahil nalinaw na ng Korte ang mga isyung ito, itinuturing na nating sarado ang usapin. Dapat na tayong mag-move on para matugunan ang iba pang mas matitinding suliranin ng bansa,” ayon sa mga abogado ni Duterte.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang defense team sa SC dahil sa desisyong nagbigay ng malinaw at awtoritatibong depinisyon sa limitasyon ng konstitusyon at tamang paghawak sa mga proseso ng impeachment.
Una rito, inanunsyo ni SC spokesperson Atty. Camille Ting na nagkakaisang tinanggihan ng en banc ang apela ng Kamara, at pinagtibay ang pagpapawalang-bisa sa mga impeachment articles laban sa Bise Presidente.
Matatandaang na-impeach si Duterte sa Kamara noong Pebrero 5, 2025, matapos suportahan ng mahigit 200 mambabatas ang reklamo. Ngunit noong Agosto ng nakaraang taon, nagpasya ang Senado na i-archive na lamang ang mga artikulo bunsod ng naging ruling ng mataas na hukuman.
