SA loob ng selda ang bagsak ng 24-anyos na kelot na wanted sa kaso ng carnapping nang masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.
Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio hingil sa kinaroroonan ng akusado na si alyas “Tokwa” na kabilang sa mga Most Wanted Person na nakatala sa Caloocan City Police.
Agad ikinasa ng mga operatiba ng Intelligence Section ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng NPD ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:30 ng hapon sa Brgy., 73.
Ang akusado ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 3 ng R.Act 10883 o ang New Anti-Carnapping Law of the Philippines (2016).
Iinisyu ang warrant of arrest ng ng Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 125, Caloocan City, may inirekomendang piyansa na P300,000 para sa pansamantalang paglaya ng akusado. (JUVY LUCERO)
