ISINELDA ang isang bebot na nakatala bilang most wanted matapos madakip ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado bilang si Daisy Javier, 26 ng No. 33 J. Pascual St., Brgy. Tangos-North.
Sa ulat ni Col. Umipig kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Penones Jr, nagsagawa ang mga operatiba Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PCMS Ronie Garan at Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Cpt. Luis Rufo Jr ng joint manhunt opertion kontra wanted persons.
Naaresto sa naturang joint operation ang akusado dakong ala-1:30 ng hapon sa M. Valle St., Tangos-South, Navotas City.
Ani Col. Umipig, ang akusado ay dinakip sa bisa warrant of arrest na inisyu ni Hon. Benjamin T. Antonio, Judge Regional Trial Court Branch 170, Malabon City noong July 10, 2023, para sa paglabag sa Sec. 10 (a) of RA 7610 in relation to Sec. 3 (b)(2) of the same law (two accounts).
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa costudial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA