Nakagagalak na nasungkit na sa wakas ng Pilipinas ang first gold medal nito sa olympics. Naghintay tayo ng 97 taon upang mapatid ang pagkauhaw sa ginto. Sapol nang lumahok ang bansa sa 1924 Paris Olympics.
Malaking karangalan ang ibinigay ni Pinay weightlifter Hidilyn Diaz. Kung kaya, di maiiwasang mabiyayaan siya sa kanyang ginawa.
Salamat sa Diyos sa Kanyang pagtulong sa ating mga atleta. Na maganda ang ipinakita sa Tokyo Olympics. Sa ngayon, may ilan pa tayong mga atleta na di nalalaglag sa torneo.
Ito’y sina Pinay boxer Nesthy Petecio, Eumir Felix Marcial at Carlo Paalam. Na malaki ang pag-asang makapagbibigay pa ng gold medal.
Nasa contention pa rin si pole vaulter EJ Obiena. Na sasalang din sa finals ng men’s pole vault.
Kaya, sa ating mga atleta na sumabak sa olympics, mabuhay kayo. Proud kami sa inyo.
Sa mga nasa kontensyon pa, nawa’y tulungan kayo ng ating Panginoon. Sa gayun ay bigyan ng talino, husay at lakas. Sa gayun ay di lamang 2 ang maiuwing medalya. Kundi higit pa.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!