May 9, 2024

EUMIR FELIX MARCIAL, UMUSAD NA SA SEMIS NG OLYMPIC MIDDLEWEIGHT CLASS

Umabanse na si Eumir Felix Marcial sa semis ng olympic middleweight boxing. Ginapi ni Marcial ang kalabang si Arman Darchinyan ng Armenia via knockout sa first round.

Sa umpisa pa lang ng laban, bumira na agad ang Zamboanga pugillist ng malalakas na suntok. Anupa’t nayanig si Darchinyan, sa 50 second left sa unang canto. Kaya nagbilang ang referee ng standing eight-count.

Pinilit tumayo ni Darchinyan. Ngunit, kinapos na ito ng hangin. Makakatapat ni Marcial si 2017 world champion Oleksadr Khyzhniak ng Ukraine. Magaganap ito sa August 5 sa ganap na alas 2:03 ng hapon (PH time).

Marcial will advance to the semifinals against 2017 world champion Oleksandr Khyzhniak of Ukraine on August 5 at 2:03 p.m. Philippine time.

Ang panalo ng Pinoy boxer ay kanyang ikalawang sunod na knockout win sa torneo.

Dahil sa panalo, nakasisiguro na si Marcial ng medalya.