May 21, 2024

MOBILE MARKET NG CAINTA, PUMAPASOK NA SA MGA BARANGAY

TULOY-TULOY lamang ang pag-iikot ng  mobile market  ng Cainta upang hindi na kailangan pang pumunta sa mga talipapa at palengke ang mga residente ng naturang bayan sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Cainta Rizal Mayor Keith Nieto kabilang sa inikutan nila ay ang Village East  upang serbisyuhan ang mga residente roon.

https://www.facebook.com/attykeith.nieto/posts/10219973389423795

Paliwanag ng alkalde malaking tulong ang Mobile Market upang hindi na lumabas patungong palengke ang mga residente at maiiwasan na rin na magkakahawaan ang mga residente ng Covid-19.

https://www.facebook.com/attykeith.nieto/posts/10219925203899187

Sabi ni Nieto,  kumpleto na ang mga tinitinda sa Mobile Market gaya rin ng tinitinda sa mga palengke at ang presyo ay walang pagkakaiba sa presyo ng mga nabibili sa Cainta Public Market.