December 25, 2024

Miyembro ng “Limos Carnapping Group” nalambat sa Caloocan

NABITAG ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang isang most wanted person na miyembro ng “Limos Carnapping Group” sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.

Kinilala ni NPD Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones ang naarestong akusado bilang si Rommel Deracin, 29 ng No. 20 Abessa St., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa ulat, nakatanggap ang mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU-NPD) ng intelligence information mula sa RIU, NCR na naispatan ang presensya ng akusado sa kahabaan ng Phase 7, Package 1, Brgy. 176, Caloocan City.

Kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng DSOU at HPG-NPD ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Deracan at nakumpiska sa kanya ang isang Magnum 22 caliber na kargado ng tatlong bala.

Si Deracin ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 27, 2015 ni Judge Gay Marie F. Lubigan-Rafael ng Regional Trial Court (RTC) Branch 46 ng San Jose, Occidental Mindoro para sa kasong Robbery with Violence Against Person at Carnapping.