May 18, 2024

VICE PRESIDENT SARA DUTERTE BUMISITA SA NAVOTAS

MAINIT na tinanggap ng mga Navoteño si Vice President Inday Sara Duterte kung saan sinalubong siya ni Cong. Toby Tiangco matapos magtungo sa Brgy. Tangos upang magpaabot ng pasasalamat sa mga residente ng barangay. Nasa 500 benepisyaryo ang nakatanggap ng gift packs na naglalaman ng face masks, alcohol, mosquito repellent lotion, school supplies, at food items tulad ng spaghetti pasta at sauce, chocolate soy milk, at mga biscuit.