May 18, 2024

MISS INDONESIA, NAGPOSITIBO SA COVID-19, 7 CANDIDATES SA MISS WORLD, NAKA-ISOLATE

May sitsit na nagpositibo sa COVID-19 si Miss Indonesia Pricilia Carla Yules sa ongoing Miss World World 2021 sa Puerto Rico. Ito’y dalawang araw bago ang coronation night ng nasabing pageant.


Pinangalanan kasi sa Instagram post ni Pawee Ventura ng Missosology na si Miss INdonesia raw ay nagpositive.
Bukod dito, usap-usapan din na di makasalang ang ilang candidates sa Miss World bukas.


Sa ulat na inilabas ng Primera Hora, isang publication sa Puerto Rico, 7 kandidata raw ang tinamaan ng COVID-19. Nasa isolation ang mga ito sa ngayon at naghihintay sa result ng kanilang swab test. Isa na rito si Miss India Manasa Varanasi.