May 18, 2024

MISIS NI MAGNOLIA GUARD JIO JALALON, NAGSALITA TUNGKOL SA PANANAKIT AT PANGANGALIWA NG MISTER

Nagsalita na si Kristina Jalalon kaugnay sa ginagawang pang-aabuso sa kanya ng mister. Ang babae ay maybahay ni Magnolia Hotshots guard Jio Jalalon.

Aniya, kinakaliwa siya ng binansagang “The Bus Driver” ng PBA.

Inihayag ni Kristina ang pagdurusang dinaranas sa asawa sa kanyang Instagram at Facebook account.

 “Napaka-sweet naman pala sa ibang babae Jio Jalalon, pero sa sariling asawa puro pagkukulang,ayon sa ipinost niyang story.

“Nakakapagod manahimik, traumang-trauma na ko sa lahat ng panloloko mo.”

Bukod dito, inihayag din ni Kristina na nagdanas siya ng domestic abuse kay Jio, 28, sapol noong 2013.Samakatuwid, mula noong sila’y nasa college pa hanggang sa ikasal, 6 na taon na ang nakararaan.

Ipinost din nito ang screenshots ng Viver exchange convo ni Jio sa ibang babae.Gayundin ang screen recording ng sinasabing video call na ipinadala lang sa kanya.

Samantala, wala pang sagot si Jio tungkol sa alegasyon. Na ngayon ay hot topic sa social media.