May 17, 2024

MILYUN-MILYONG PISONG MGA PINEKENG BRAND NG SIGARILYO, NAKUMPISKA NG BOC

NASABAT ng Bureau of Customs o BOC ang dalawang shipment ng pekeng sigarilyo na tinangkang ipasok sa bansa sa pamamagitan ng Port of Subic.

Ayon sa BOC, nagkakahalaga ng ₱66-na milyong piso ang fake na sigarilyong nakalagay sa magkahiwalay na container van na dumating noong Mayo 28, 2021

Ayon pa sa BOC, noong May 19, 2021, isang forty-footer container na sinasabing naglalaman ng  footwear ang dumating sa Port of Subic at naka-consigned  sa isang RNRS Trading.

Isa pang shipment ang kasabay na dumating sa Port of Subic na lulan ng 1×40’ shipment ng cartons film (stretch) na naka-consigned sa Heybronze Non-Specialized Wholesale Trading.

Nang isalang sa eksaminasyon, natuklasan na ang mga fake na sigarilyo na may tatak na brand ng  Marvels Menthol, Marvels Filter, Two Moon Filter, Two Moon Menthol, Fort Menthol 100’s, Mighty Menthol, Champion at Jackpot.

Ayon kay District Collector Maritess Martin mayroon ng Warrants of Seizure and Detention para sa mga nasabing kargamento na lumabag  National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular  kaugnay sa R.A. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines;    Republic Act No. 10863 o ang   Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).