May 2, 2024

MILWAUKEE BUCKS, TARGET LAMBATIN SI COUSINS

Nagkasundo ang Milwaukee Bucks at si veteran center DeMarcus Cousins sa isang one-year deal. Ito ay ayon sa ulat ng multiple media outlets. Gayunman, habang sinusulat ang istoryang ito, ang deal ay non-guaranteed.


Ang 31-anyos na si Cousins ay naging 4-time All Star. Naging three-time All League player. Kasalukuyang ranked 15th sa mga active scorers. Siya’y may 20.4 points per game at pangwalo sa mga active rebounders (10.6).


Marahil lumabas ang ulat na nilalambat ng Bucks si Cousins. Sa kadahilanang hindi pa available na maglaro si Brook Lopez. Nagkaroon ng back problems ang sentro ng Bucks ngayong season.