May 2, 2024

MILWAUKEE BUCKS, SINUWAG ANG BOSTON CELTICS

Sinuwag ng Milwaukee Bucks ang Boston Celtics, 103-101 sa Game 3 ng East semifinals. Kaya naman, lamang na sa 2-1 lead sa series ang Bucks. Bumanat ng double-double si Giannis Antetokounmpo upang ipanalo ang kanyang team.

Lumagare ang ‘The Greek Freak’ ng 42 points, 12 boards, 8 assists at 3 blocks. Nag-ambag naman si Jrue Holiday ng 25 points, 7 rebounds at 3 assists. Sa panig naman ng Celtics, bumuslo si Jaylen Brown ng 27 points, 12 boards at 4 assists.

Habang si Al Horford naman ang kumana ng 22 points, 16 rebounds at 5 assists.